Hindi tinanggap ni Makabayan solon ACT Teachers Party-list Rep. France Castro ang mungkahing paglipat ng House of Representative sa BGC.
Ayon kay Castro, ayaw nilang mag-aksaya ng bilyon-bilyong piso para rito.
Naniniwala ang mambabatas na ang pasilidad nila sa Kamara ay sapat at malawak para makapagsilbi ng pangangailangan ng mga kongresista at staff.
Sa huli, nagbabala si Castro na ang mungkahing relocation ng HOR ay magdudulot lang ng pagtaas sa living costs ng House employees, at magpapalala rin ng traffic.
Imbis na isulong daw ang paglipat ng kanilang tanggapan, mas mabuti kung ire-repair na lang ang mga lumang silid ng kasalukuyan nilang pasilidad.