Babakunahan na kontra covid-19 ang lahat ng kabataang may edad 12 hanggang 17 taong gulang sa buong bansa sa unang linggo ng Nobyembre.
Ito ang kinumpirma ng Department of Health (DOH) batay sa naging pahayag ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr na sisimulan ang nationwide pediatric vaccination sa November 3.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa ngayon ay binabalangkas na ang panuntunan ukol dito.

Sa ngayon ay nasa Phase 2 pa lamang ang pagbabakuna kontra covid-19 sa mga menor de edad na may comorbidity sa National Capital Region (NCR).
Inihayag naman ng DOH na umabot na sa mahigit 14,000 mga kabataan ang naturukan. //MHEL PACIA-TRINIDAD