Posibleng masimulan na sa ika-15 ng Nobyembre ang pagbabakuna ng booster shot sa mga senior citizens at mga healthcare workers sa bansa.
Paliwanag ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr. hinihintay pa ang panuntunan at mga patakaran mula sa Food and Drug Administration (FDA) at sa World Health Organization (WHO).
Aniya, kinakailangan muna ng guidance mula sa regulatory board kung anong brand ng bakuna ang maaaring gamitin sa pagtuturok ng booster shot.

Sinabi ni Galvez na kailangan rin munang tapusin ang mga panuntunan at ma-amyendahan ang emergency use authorization (EUA) ng mga gagamiting covid-19 vaccine. //MHEL PACIA-TRINIDAD