Nationwide ‘Oplan Baklas’ ng COMELEC, lumarga na

Malawakang Oplan Baklas ang ikinasa ng Commission on Election (COMELEC) ngayong araw sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay COMELEC spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, sinabi nito na aaraw-arawin ng komisyon ang pagbabaklas na posibleng mauwi naman sa disqualification ng ilang kandidato.

Read More:  Marcos says heavy rain and climate change worsened Central Luzon flooding

Ayon kay Laudiangco, naging generally peaceful naman ang unang araw ng kampanyahan sa buong bansa bagaman hindi pa rin sila titigil sa pagsusulong ng kaso sa mga naunang nagpasaway bago ang campaign period.

Read More:  Remulla, Paolo Duterte clash over Davao City as flood control ‘epicenter’

Paalala ng COMELEC sa mga kakandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) na sumunod sa alituntunin ng tamang pangangampanya dahil kahit sila’y naluklok na kung mapapatunayan na lumabag sa election code ay tiyak matatanggal sila sa posisyon.