PNP, walang na-monitor na untoward incidents sa unang araw ng campaign period para sa BSKE

Walang na-monitor na untoward incidents ang Philippine National Police sa unang araw ng campaign period para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections kahapon.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, maituturing na generally peaceful ang sitwasyon kahapon.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Gayunpaman, mahigpit nilang minomonitor ang mga lugar sa bansa na makapagtatala ng mga insidente para makumpirma kung may kinalaman ito sa eleksyon.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Batay sa datos ng PNP, mayroong 356 na mga barangay sa buong bansa ang isinailalim sa red category.

Nasa 1,325 naman ang inilagay sa orange category habang nasa 1,196 naman ang mga barangay na isinailalim sa Yellow Category.