National Summer Learning Camp and Remedial Classes nakatakdang ipatupad sa Naga City sa loob ng limang linggo

NAGA CITY- Ipapatupad na sa Naga City angNational Summer Learning Camp and Remedial Classes na magsisimula sa July 24 at magtatapos sa Agosto 25 sa lahat ng mga public schools na may grades 7 and 8.

Ang mga mapipiling guro ay tatanggap ng 250 pesos food allowance a day at may service credit pang 15 days, batay sa naging pahayag ni City Schools DepEd Supt. Susan Soreta Collano.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Sa ginawang press conference kahapon sa Naga  City na dinaluhan ng mga DepEd officials, isa-isang ipinaliwanag sa media nina Supt. Collano ang magiging sistema sa pagpatupad nito sa mga estudyante na kailangan ang programa.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ang mga estudyante ay isasailalim sa remedial class sa subjects na English, Science and Math, para sa mga kategoriya ng Enhancement, Consolidation and Intervention Camp.

Kaugnay nito, sinabi ni Collano na ang lahat ng mga gurong magiging bahagi ng programa ay imo-monitor din ang kalusugan para matiyak ang health status nila.