Viral performance ng isang drag artist, hindi makakatulong sa LGBTQIA+ community – Solon

Nagbigay ng karagdagang pahayag si Bataan Rep. Geraldine Roman sa isang drag artist na si Pura Luka Vega hinggil sa kanyang drag performance.

Kaugnay rito, sinabi ni Roman na hindi matatawag ang bagay na isang art kung nakakasakit ito ng damdamin ng tao.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Dagdag pa niya, hindi sapat na dahilan upang iwagayway ng drag performer ang naturang queer card dahil lang ito’y kasalukuyang binabatikos ito ng karamihan.

Mababatid nitong Huwebes na gumawa ng ingay ang performance ni Pura kung saan ito ay nag-costume ng mala-Jesus Christ, at nag-lipsync ng Ama Namin remix.

Read More:  Palace says VP Sara’s alleged threat involves national security

Noong Huwebes din unang pinagsabihan ni Bataan Rep na ‘umayos’ ang drag artist dahil hindi raw kailangan ng ganitong klaseng provocation, at hindi rin nakatutulong sa komunidad ng LGBTQIA+ ang kanyang nasabing performance.