PNP bomb awareness project, isinagawa sa  lungsod ng Sorsogon

Sa layuning mas mapalawak ang kaalaman at magkaroon ng kamalayan ang iba’t ibang barangay sa Sorsogon City hinggil sa mga explosives related incidents, tulad ng pambobomba, bomb threat, mga batas sa pambobomba, at mga pamamaraan na maaring gawin sa ganitong uri ng insidente; nagsagawa ng Bomb Awareness Lecture ang Philippine National Police (PNP) sa Lungsod ng Sorsogon.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Ang aktibidad na bahagi ng Proyektong A.B.K.D o Awareness of Bombs that Kill Lives and Destroy properties ay dinaluhan ng mga kawani ng City Disaster Risk Reduction and Management Office CDRRMO), sa pamumuno ni  Luisito Mendoza at mga opisyal ng mga barangay ng Sorsogon City.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Hakbang upang maging handa sa posibleng panganib na dala sa seguridad at kaligtasan ng publiko, sakaling magkaroon ng bomb threat incident sa loob ng lungsod.

Naging pangunahing tagapagsalita sa aktibidad si PNP – EODK9 Group Director PBGen Alberto Magno.