LEGAZPI CITY – Inaasahang magsisimula na sa sabado Hulyo 20, ang National Prisaa Games 2024 sa lungsod ng Legazpi.
Ito ay base na rin sa inilabas na calendar of activities na nakatala na isasagawa ang opening ceremony at atlethic parade sa Hulyo 21 at ang game proper naman sa lahat mg aktibidad ay sa Hulyo 22 kung saan base sa isinapublikong playing venues and schedule, pare-parehong limang araw mula Hulyo 22 hanggang 26 ang no. of playing days ng atlethics, archery, badminton, billiards, boxing chess, table tennis, tennis, baseball, basketball, football, sepak takraw, soft ball at volley ball; apat na araw mula Hulyo 22-25 naman sa karatedo, weightlifting, gymnastics; tatlong araw naman mula Hulyo 23-25 sa swimming, basketball 3×3 at beach volley; habang isang araw lang ang no. of playing days ng dance sport na isasagawa sa Hulyo 22.
Konektado rito, patuloy naman ang paghahanda ng PRISAA officials kung saan sila ay nagkaroon na ng pagpupulong upang maging matagumpay ang aktibida at masiguro ang kaligtasan ng dadalong 10,000 na atleta mula sa iba’t-ibang parte ng bansa.