Ipauubaya na ng Department of Health (DOH) sa mga LGUs ang pagdedeklara ng outbreak para sa dengue.
Kung maalala kasi – sumipa na sa higit 150K na dengue cases ang naitala ngayong taon kung saan, halos 400 na ang namatay.
Sa isang panayam, sinabi ni DOH Spokesperson Asec. Albert Domingo na may ilang mga rehiyon naman na hindi tumaas ang kaso ng dengue.
Dahil dito, naniniwala raw sila na na wala pang dahilan para ideklara ang national outbreak.
Kaugnay nito, ang patuloy na pakikiisa ng ahensya sa mga fogging at paglilinis sa ilang lugar para maiwasan na ang pagdami ng dengue cases.