Nasa 1,000 operators – magba-backout sa PUVMP

Sumugod sa tanggapan ng LTFRB sa Quezon City ang transport group na PISTON para maghain ng petisyon para bawiin ang kanilang aplikasyon sa konsolidasyon.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Ayon kay PISTON National President Mody Floranda, nasa 1000 operator sa Metro Manila ang nais nang umatras sa jeepney modernization program.

Read More:  Atin Ito Coalition: declare July 12 as West Philippine Sea Victory Day

Dagdag pa ni Floranda, napilitan lamang silang sumunod dahil natakot umano ang mga ito na mawalan ng prangkisa pero sa huli ay nabaon lamang raw sa utang.