Kaso ng Mpox, bantay sarado sa Quezon City

Nagpapatuloy ang Quezon city government sa surveillance nito sa gitna ng kumakalat na mpox.

Ito ay matapos magpunta sa ilang establisyimento ng lungsod ang isang tinamaang indibidwal ng naturang sakit.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Sa ngayon, patuloy ang monitoring at contact tracing ng QC Health Department sa mga close contact person.

Pinapaalalahanan din nito ang publiko na sundin ang ilang health protocols o standards gaya ng paghuhugas ng kamay, at paglilimita sa direct physical contact.

Read More:  NBI may invite Padilla over Dela Rosa’s whereabouts

Sakaling may maramdaman umano na anumang sintomas – abiso ng lokal na pamahalaan na magpakunsulta agad sa QCHD.