Nasa 100 POGO sa bansa – operational pa rin kahit walang permit – PAOCC

Aminado ang Presidential Anti-Organized Crime Commission o PAOCC na malayo pa ang kanilang lalakbayin upang tuluyang maipasara ang lahat ng mga POGO hub sa bansa.

Sa Bagong Pilipinas program, sinabi ni PAOCC Spokesperson Dr. Winston John Casio, na hindi nila kayang tapusin ang problema sa POGO hanggat hindi nagkakaroon ng polisiya na mas malalim at mas malakas laban sa mga tinaguriang scam farms.

Dagdag ni Casio, nasa 402 ang bilang ng mga kanseladong POGO sa bansa, batay sa listahan na ibinigay sa kanila ng PAGCOR.

Sa naturang bilang, apat pa lang dito ang naipasara ng PAOCC, at halos isang daan pa ang na-monitor nilang patuloy na nag ooperate.

Samantala, ipinauubaya na rin ng PAOCC sa kanilang Chairman na si Executive Secretary Lucas Bersamin, kung irerekomenda nito kay Pangulong Bongbong Marcos na tuluyan nang ipag bawal sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *