Contractor ng POGO hub sa Bamban – hindi na ma-trace

Inamin ni Senate Committee on Ways and Means, Chairperson, Senador Win Gatchalian na tila na-dead end na sila sa isinasagawa nilang imbestigasyon hinggil sa pagkatayo ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Bamban, Tarlac.

Ito ay matapos na hindi na umano nila mahanap ang contractor nito at wala rin ni isang clue silang nakikita kung sino man ang nagdala ng mga heavy equipments sa lugar.

Read More:  Ombudsman complaint filed vs ES Ralph Recto over alleged ₱167-B fund transfers

Anya, sa pamamagitan kase ng pagtukoy ng mga tao sa likod nito ay maari nila sanang malaman ang taong tumanggap ng pera at maging nakikipagnegosasyon sa mga ito upang mabuo ang niraid na POGO hub.

Dagdag pa niya, masasabi rin sa kasalukuyan na ‘dummy company’ ang contractor ng nasabing POGO hub Lalo na’t wala umano itong opisina sa Binondo ng kanilang puntahan at wala ring lisensyang nakaugnay dito.

Read More:  Sen. Pia Cayetano moves on after viral Senate emotional speech

Alinsunod nito, ipinunto niyang napakagaling ng mga sindikatong nasa loob nito at nagging mahina ang Anti-Money Laundering Council sa pagbabantay ng nasabing operasyon na dapat ay noon pa nila napag-alaman.