PBBM mangunguna sa pamimigay ng ayuda sa mga mangingisda at magsasakang labis na apektado ng El Niño Phenomenon sa Camarines Sur

CAMARINES SUR- Sampong libong piso ang tatanggapin ng mga magsasaka at mangingisdang labis na naapektuhan ng El Niño  Phenomenon sa Camarines Sur.

Ngayong araw, Hunyo 7, 2024 pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pamamahagi ng ayuda. Ang cheque ay tatanggapin ng Gobernador ng Camarines Sur at Camarines Norte sa ceremonial distribution,  kasama ang ilang mga benepisyaryo at ang maiiwang pondo ay ibababa sa mga LGU.  Sa naging panayam ng Brigada News FM Naga sinabi ni Presidential Communications Office Assistant Secretary Dale De Vera na ang mga tatanggap ay ang mga nakapag report ng pinsala sa na Department of Agriculture (DA).

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Noong Abril, umabot na sa ₱50, 103,088 ang pinsala sa palayan ng Camarines Sur.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Samantala, isa pa sa pangunahing sadya ng pangulo ang pamamahagi ng Titulo ng Lupa kasama ang Department of Agrarian Reform. Mamimigay din ng hybrid seeds at iba pang farm inputs ang DA, habang ang Department of Labor and Employment (DOLE)  ay mabibigay ng three wheel passenger bikes, mamahagi naman ng ayuda sa ilalim ng AKAP o  “Ayuda para sa Kapos and Kita Program” ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).