NAPOLCOM, nakatakdang magsagawa ng PNP entrance at promotional examinations sa Catanduanes

BNFM BICOL—Inanunsiyo ng pamahalaang panlalawigan ng Catanduanes at ng National Police Commission Regional Office 5, na nakatakdang magsagawa ng PNP Entrance at Promotional Examinations ang NAPOLCOM sa naturang lalawigan.

Isasagawa ang nasabing aktibidad ngayong darating na April 9 at April 10 sa bayan ng Virac, Catanduanes ngunit hindi pa tinukoy kung saan ang eksaktong venue ng pagsusulit.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Kaugnay nito, ipinaalala ng komisyon na ang mga aplikante mula sa Catanduanes na mayroon nang NAPOLCOM OLEASS CONFIRMATION ay ma ipo-pocess mula March 7 o kahapon hanggang March 9, 2022 araw ng Miyerkules.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Ipapatupad naman ang “first come, first served policy” sa lahat ng mga “walk in applicant” ngayong darating na March 10-11, 2022 sa Catanduanes Provincial Capitol Lobby sa bayan pa rin ng Virac.###