SSS clearance pansamantalang pinatatanggal bilang requirement sa pagpaparehistro ng tricycle sa bayan ng Basud

CAMARINES NORTE- Inaprobahan ng Sangguniang Bayan ang resolusyong pansamantalang nagtatanggal sa Social Security System (SSS) clearance bilang isa sa mga requirements sa registration ng tricycle sa bayan ng Basud, Camarines Norte

Sa regular na sesyon ng konseho nitong Lunes, ay inihain  at pinagtibay ang naturang resolusyon upang kahit papano ay makabawas sa bigat at isipin ng mga tricycle operator.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Nakasaad sa resolusyon na nagsisimula pa lamang na bumangon ang mga tao na nahirapan ng husto dahil sa COVID- 19 pandemic at mga ipinatupad na community quarantine ng gobyerno.

Isa umano ang sektor ng transportasyon sa labis na naapektuhan ng pandemya partikular ang tricycle.

Kaya naman upang mapagbigyan ang hiling ng sektor na ito na mapagaan ang pag comply sa mga requirements ay nagpasya ang konseho na pansamatalang tanggalin ang SSS clearance bilang requirement sa pagpaparehistro ng tricycle

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Hindi naman umano maapektuhan ng temporary removal ng SSS clearance ang bayaring makokolekta ng munisipyo.

Sa katunayan para lamang umano itong token na ibinibigay sa tricycle sector para mairehistro ang kanilang unit.