Colombia– Pinag-uusapan ngayon sa bansang Colombia ang isang mister na nag viral sa social media matapos itong hubo’t-hubad na pumarada sa ibabaw ng kotse makaraang mahuli sa akto ng kanyang misis na may kasiping na babae sa isang motel.
Ayon sa ulat ng local media sa lugar, nakilala ang mister sa ngalan na Jairo, na nahuli ng kanyang misis kasama ang isang babae sa loob ng isang kwarto sa motel.
Sa pagsusumamo na mapatawad ng kanyang asawa, tinanong nito ang kanyang misis kung ano ang dapat niyang gawin upang siya ay mapatawad.
Ang tugon ng kanyang misis, papatawarin lang siya nito kung papayag siyang pumarada sakay sa ibabaw ng kotse sa kahabaan ng Barranquilla City ng nasabing bansa.
Dahil sa kagustuhang mapatawad ng kanyang misis, pumayag ito sa kanilang kasunduan. Kumalat ang kanyang video sa social media na kinuha ng mga netizens na nakasaksi sa insidente.
Bagama’t hindi siya direktang kinasuhan ng asawa dahil sakanyang pangangaliwa, inaresto siya ng mga otoridad sa lugar at kakasuhan ng indecent exposure and disturbing public order dahil ipinagbabawal sa naturang bansa ang paghuhubad sa mga pampublikong lugar.### JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol