100 katao sa bayan ng Capalonga nabiyayaan ng tulong pangkabuhayan sa pamamagitan ng DOLE Tupad program

CAMARINES NORTE- Aabot sa isangdaang katao ang nabiyayan ng ayuda  sa bayan ng Capalonga, Camarines Norte sa ilalim ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers ng Department of Labor and Employment o ang tinatawang na DOLE- TUPAD.

Ginawa ang payout sa mga benepisyaryo ng programa sa Covered Court ng Brgy. Catioan kahapon, November 4.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ayon sa Lokal na Pamahalaan, nagmula ang mga benepisyaryo sa  sampung barangay na sumailalim sa programa ng DOLE kung saan ang mga napiling sampong tao kada-barangay ay maglilinis sa designated area ng kanilang lugar.

Ang DOLE-TUPAD ay isang tulong na nakabatay sa pamayanan Munisipyo o Barangay na nagbibigay ng trabaho para sa mga displaced workers, walang trabaho at mga labis na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Isa ito sa paraan ng DOLE na ibinababa sa Pamahalaang Lokal upang labanan ang kahirapan lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Sa panig ng LGU ay adhikain umano nitong  ang kanilang constituents at nangako ito ng iba pang mga proyekto at programa.