Nakumpirmang bilang ng mga nasawi sa COVID isolation unit na nasunog sa Iraq, umabot na sa 64

Kinumpirma ng mga otoridad na pumalo na sa 64 ang bilang ng mga tao na nasawi mula sa nasunog na COVID isolation unit sa Iraq, habang marami pang iba ang patuloy na nagpapagaling mula sa tinamo nilang pinsala mula sa nasabing insidente.

Nasunog ang isolation unit na matatagpuan sa Al-Hussein Hospital sa lungsod ng Nasiriyah.

Inihayag ng ilang medics sa lugar na dahil ito sa pagsabog ng oxygen canisters.

Sinabi ng provincial foresic science department na nabawi na nila ang bangkay ng 64 na biktima, kabilang na ang 39 na natukoy at naibalik sa kanilang mga pamilya.

Ipinunto naman ng mga otoridad na posible pang tumaas ang death toll sa insidente matapos madiskubre ang mas marami pang bangkay na nabaon sa ilalim ng guho.