Lumutang ang isang video na nagpapakitang pinatay ng mga hinihinalang Taliban fighters ang tinatayang dalawampu’t dalawang Afghan commandos habang isinisigaw ng mga ito ang “Allahu Akhbar” (God is Great).
Napag-alaman na ang mga biktima sa video ay miyembro ng isang Afghan Special Forcees Unit kung saan napag-alamang nangyari noong June 16.
Ayon sa ilang mga testigo, sinalakay ng Taliban members ang bayan ng Dawlat Abad kaya nakasagupa nito ang grupo ng mga biktima hanggang sa maubusan ng bala ang mga ito.
Kinumpirma naman ng The Red Cross na 22 bangkay ang na-retrieved sa nasabing lugar.
Sa kabila nito, iginiit ng Taliban na peke ang video at isang uri lamang ng propaganda laban sa kanila.
Kinumpirma naman ng grupo na may hawak silang 24 commandos na bihag mula sa Faryab province bagamat wala silang ipinakitang pruweba.
