Nakuhang bala ng baril sa sinalakay na underground tunnel, iimbestigahan ng mga otoridad

Kinolekta ng mga otoridad ang mga nakumpiskang mga bala ng baril sa firing range sa sinalakay na underground tunnel sa Porac Pampanga.

Ito’y upang isailalim sa ballistic examination para malaman kung ang baril na ginamit ay tugma sa mga ginamit na baril sa mga namatay na Chinese national sa loob ng POGO.

Ayon sa  Presidential Anti-Organized Crime Commission, walang building permit ang naturang underground tunnel at wala ring permit sa Philippine National Police ang firing range.

Ang naturang underground tunnel ay pinaniniwalaang hideout ng mga incorporators at Chinese big bosses ng Lucky South 99, ang illegal na POGO na ni-raid ng mga otoridad dahil pugad umano ito ng iba’t ibang illegal na aktibidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *