Social Pension distribution para sa mga Senior Citizens sa Naga City nasa huling araw na ngayon

NAGA CITY – Magpapatuloy ngayong araw ang ginagawang social pension distribution sa mga lolo at lola ng Naga City na qualified para sa programang ito ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na kung saan halos apat na libo ang benipisyaryo ang tumanggap ng tig-anim na libong piso.

Sa panayam ng Brigada News Fm Naga kay Malou Palacio, ang focal person ng social pension ng City Social Welfare and Development Office, sinabi niyang ginawa nilang cluster ang pamimigay sa mga benepisyaryo para hindi na nila isa-isahin ang bawat barangay ng lungsod, tuloy hindi rin mahirapan ang mga senior citizens.

Nasa huling araw na sila ngayon para sa apat na clustered barangay mula sa Lerma, Calauag, Abella at Igualdad na ayon kay Palacio umaga pa lamang ay sisimulan na para maagang maibigay na sa mga benipisyaryo ang matagal na nilang hinihintay na cash assistance.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *