Kiko Matos balak kasuhan ang Youtuber na sumapak sa kanya sa isang event

Viral ngayon sa social media ang pananapak kay Kiko Matos ng isang Youtube influencer na si Rendon Labador.

Nangyayari ang insidente sa basketball match kung saan tampok ang ilang social media stars.

Katatapos lang umano ng laban ni Rendon sa isang pang Youtuber na si Jonah Jacob ng Brusko Bros.

Read More:  Yeng Constantino gives fans a glimpse of dream house with husband Yan Asuncion

Sa kumakalat na video makikitang nakikipag-usap si Rendon malapit sa mesa kung saan nakaupo si Kiko bilang isa sa mga commentator sa nasabing match.

Kapansin-pansin ang tuloy-tuloy na pagsasalita ni Kiko kay Rendon kahit tila hindi siya nito pinapansin.

Dito na biglang nagpakawala ng isang malutong na suntok sa mukha.

Read More:  Escudero says he would decline VP post if Sara Duterte is removed

Balak naman sanang gumanti ni Matos subalit napigilan na ito ng mga mga umaawat na mga bouncers.

Sa hiwalay na video sinabi ni Rendon na kaya niya ito nagawa ay dahil sa pang-iinsulto sa kanya ni Matos.

Balak naman magsampa ng kaso ni Matos sa Youtuber kasabay ng hamon ng 1 on 1 suntukan.