Naitalang COVID cases sa Spain, lampas na sa 5-million

Nakamit ng Spain ang panibagong grim milestone nito matapos umabot sa 5-million mark ang mga naitala COVID-19 cases sa naturang bansa.

Ito ay matapos maitala ng Spain ang 4,485 na bagong infections at 54 na nasawi.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Base sa datos ng Health ministry ay lumabas na nasa 5,002, 217 na ang kabuoang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19.

Mababatid na mahigit three quarters na ng buong populasyon ng Spain ang fully vaccinated na kontra COVID-19.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Inalis na rin ng Spain ang karamihan ng mga restriksyon nito kontra COVID-19 habang nanatiling mandatory ang pagsusuot ng masks sa mga enclosed spaces.