Naipamahaging healthcare emergency allowances, umabot na sa P2.3 Billion

Umabot na sa P2.3 Billion ang naipamahaging health emergency allowance o HEA ng Department of Health sa mga healthcare workers na nagtrabaho noong COVID-19 sa Rehiyon Dos.

Inihayag ni DOH Cagayan Valley Center for Health Development Regional Director Dr. Amelita Pangilinan na nasa 361, 949 healthcare workers na nakabase sa mga pasilidad ng DOH, LGU—owned at pribadong pasilidad sa rehiyon ang nabigyan ng HEA mula noong 2022.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Aniya, pinamamadali rin nila ang bawat LGU para sa mabilisang pamamahagi at mabilisang pagbaba ng pondo mula sa DOH Central Office habang nagpapatuloy naman ang kanilang liquidation.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Ang pamamahagi ng Health Emergency Allowance ay alinsunod sa Republic Act 11712 o Public Health Emergency Benefits and Allowance for Health Care Workers Act.