NAGA CITY- Patay ang isang ginang matapos na mahagip ng tren sa Iriga City, Camarines Sur.
Sa ulat ng PNP Iriga nito pang Hunyo 30 ito nangyari bandang alas-12 ng tanghali sakop ng Barangay San Nicolas, natapilok umano ang 58-anyos na ginang na si “Francia” ng San Roque at nagkataon namang paparating na ang tren. Dinala sa ospital pero sinawimpalad.
Nitong lamang Hunyo 25 hanggang 28 nagkaroon ng dialogo sa mga opisyal ng Barangay at istasyon ng tren sa Camarines Sur upang maiwasan ang aksidente lalo na biyaheng Naga- Albay. Pinangunahan ito ni PNR Officer-In-Charge General Manager, Atty. Celeste D. Lauta, paalala ng PNR maging mapagmatyag; Stop, Look and Listen upang mailayo ang sarili sa peligro.