SORSOGON CITY – Sinampahan na ng kaso ang lalaking binalak magbiyahe ng Agarwood, matapos itong masabat sa bayan ng Gubat sa lalawigan ng Sorsogon.
Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si Andrew Ferreras, 35 anyos residente ng Brgy. San Rafael, Bulusan ng nabanggit ng lalawigan.
Base umano sa Wildlife Resources Conservation and Protection Act certification galing sa Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO), humigit kumulang 136 kilos ng pinira-pirasong Agar Wood na may tinatayang halagang lagpas sa 2.7M piso ang nasabat.
Magugunitang nakatanggap ng timbre ang mga awtoridad tungkol sa pagpupuslit ng tinaguriang “wood for the gods” na may mataas na market value.
Sa inilatag na choke points ng pulisya na flag down sa Brgy. Buenavista bayan ng Gubat ang sasakyan, dahilan ng pagkakadiskubre ng 5 sakong kargamento.
Nasampahan ang suspek ng paglabag sa Revised Forestry Code of the Philippines at hindi pinagbigyang makapagpiyansa.
Kabilang na ang Agarwood o ‘lapnisan’ sa lokal na katawagan, sa critically endangered Philippine Trees kung kaya mahigpit na ipinagbabawal ang pagpuputol nito.
