Nagpaparehistro sa Comelec offices sa Albay dagsaan na para sa nalalapit na 2022 election

LEGAZPI CTIY – Halos isang linggo nang pinipilahan na ang Commission on Election (COMELEC) offices sa ibat ibang bayan at lungsod ng mga magpaparehistro para sa nalalapit na National and Local Elections.

Ito ang inihayag ni COMELEC Albay Provincial Election Supervisor Atty. Maria Aurea Bunao sa Brigada News Fm Legazpi.

Ayon kay Bonao, dinadagsa na ang mga comelec offices ng mga taong magpaparehistro dahil sa isang buwan na lang o 46 days na lang ang palugit nito para magparehisto.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Aniya, sa katapusan ng lang kasi ng buwan ng Setyembre ang deadline nito para magparehistro.

Halos mahigit 100 na ang daily average ang pumipila sa nasabing ahensya araw araw.

Ito na rin aniya ang sinasabi na ugaling Pilipino ang pagiging mañana habbit ng mga ito.

Read More:  Iloilo barangay councilor nabbed in buy-bust, ₱2.24M worth of shabu seized

Naabot na rin umano ng mga comelec ang New registration na umaabot na sa 3M na katao ang nagpaparehistro sa bansa.

Tanging hinahabol na lng ng tanggapan ang mahigit sa 90K na individuals ang nawala sa listahan na deactivate o ibig sabihin ay hindi nakapagboto ng dalawang beses nitong mga nagdaang election.

Ang mga nagsisipagpuntahan sa comelec offices ay mga nagsipagtransfer, mapa correct at iba pa.