NAGA CITY—Umabot na sa mahigit 14,000 benepisyaryo ng Social Pension ang nakatanggap ng ayuda mula sa DSWD para sa ikalawang semestere ng payout sa Camarines Sur.
Ayon kay Mary Gizelle Mesa, Public Information Officer ng DSWD Bicol, kabuuang 14,662 na mga Senior Citizen ang nabigyan ng pinansyal na ayuda sa ilalim ng Social Pension Program para sa mga indigent beneficiaries o 17.69% ng total target of beneficiaries na may kabuuang halaga na aabot sa P-43,986,000.
Bago nito, umabot sa 71,718 na mga Senior Citizen sa 1st semester ang nabigyan ng financial assistance na nagkakahalagang P-215, 154,000 katumbas ito ng 86.51% sa kabuuang bilang mga benipisyaryo sa Camarines Sur.
Sa kasalukuyan ang lalawigan ay mayroong 82,905 total Social Pensioners.

Siniguro naman ni Mesa na sa bawat payout ay nasusunod parin nila ang Minimum Health Standards bilang proteksyon ng mga matatanda at ng kanilang mga tauhan laban sa banta ng COVID-19.