Naga “Richest City” pa rin sa Bicol Region; buwis walang planong taasan

NAGA CITY – Napanatili ng Naga City ang pagiging Richest City sa buong Rehiyong Bicol, matapos ang ipinalabas na Asset and Value Report ng Commission on Audit CY 2020-2021, at Top 48 pa sa buong Pilipinas.

Sa naging panayam ng Brigada News FM Naga kay City Administrator Elmer Baldemoro, sinabi nitong dahil sa itinuturing na Heart of Bicolandia ang lungsod, malaking impact ito para muling kilalanin, kung saan karamihan sa mga negosyong nais maglagay ng negosyo, isa ang Naga sa kanilang napipili at prayoridad, maliban sa maganda ang panggogobyerno rito, tinitiyak rin ng LGU na naka-alalay sila sa lahat ng kanilang mga investor at sa mga nais na maging partner.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Sa kabala rin na mataas ang Valuation of Real Property Tax, marami pa rin ang nais na maglagay ng negosyo at dagsa rin ng mga taong pumupunta sa lungsod.

Read More:  63-year-old fish vendor shot in Cebu City by riding-in-tandem gunmen

Wala ring plano ang LGU na taasan ang buwis, kailangan lamang i-review ang mga fees at charges.

Laking pasasalamat rin ng opisyal dahil napanatili ng lungsod ang pagiging mayaman sa Bicol. Una na ring nagpasalamat si Mayor Nelson Legacion sa lahat lalo na nagpapahiwatig ito na ang lungsod ng Naga ay umuunlad at patuloy na uunlad.