LEGAZPI-Matapos ulanin ng pambabatikos ang Bicol University sa isyu ng mahabang pila ng mga estudyante na magsusumite ng kanilang medical requirements na isa sa kailangan sa enrolment ng limited face to face classes, nagpalabas na ito ng bagong guidelines sa pagsumite.
Kung matatandaan, alas 4 pa lamang kasi ng madaling araw, namataan ang daan-daang estudyante na nagtatyaga ng pumila na kinalaunan ay kinolekta na lamang ng staff ang mga requirements nito dahil sa mas humahaba at siksikan na sa pila.
Matapos ng pangyayari, naging lamang ng reklamo sa social media ang umanoy hindi sistematiko at naging pahirap sa mga estudyante.
Sa kabila nito, sa pinalabas na bagong abiso ang unibersidad, inayos na ang sistema ng pagsumite ng nasabing mga documents na hindi na kailangan pang pumila at iiwan na lamang ito sa sa opisina ng Bicol University Health Services at itetext na lamang para sa pagrelease ng medical certificate.
Humingi rin ito ng pasensya sa mga estudyante maging sa mga magulang sa pangyayari.