NAGA CITY- Palapit na ng palapit ang pinakamalaking religious gatherings sa Bicol Region—Peñafrancia Festival sa Naga City, sa mga paghahanda hindi isinasantabi ang mga patakaran sa pag-iwas sa paghawa ng COVID-19.
Sa pagharap sa media ni City Events Protocol and Public Information Office Chief Allen Reondanga, sinabi nito na pinaplano ang border at random checking ng vaccination card.
Sa mga borders ng lungsod titinggan lang naman ang compliance sa panawagan ng City Government sa mga Nagueño at mga papasok sa Naga, binigyan diin na hindi ito para mag check point tulad ng dati.
Sa tanong kung hindi papasukin ang walang vaccination card, sinabi ni Reondanga na hindi pa naisasapinal ang patakaran ukol dito, may hiwalay aniyang pagpupulong ang Joint Operation Center.
Pagpupunto pa ng CEPPIO Chief, daan ito upang mas maging mas malaya laban sa sakit ang pagdiriwang ng taunang festival.
Sa ilalim ng Alert Level 1, tuloy ang prusisyon , mga parada, concert at iba pa sa 100% venue capacity.