NAGA CITY – Walang naitalang kahit isa man lang na kaso ng COVID-19 kahapon,araw ng Lunes ang lungsod ng Naga, batay sa inilabas na datus ng City Health Emergency Response Task Force, kagabi.
Kung magpapatuloy ang ganito kagandang sitwasyon, baka tuluyan ng mawala ang COVID-19 sa lungsod ayun sa city government na ikinatuwa naman ng mga netizen.
Sa COVID-19 Tracker naman, 78 na lamang ang active cases ng lungsod, sila ay mga kasalukuyang nasa isolation pa at ginagamot.
Sa naturang datus, may 14 namang naka recover kahapon sa virus, na kabilang na rin sa kabuuang 5,897 na mga gumaling na sa 6,229 cumulative cases.
Ang bilang naman ng mga binawian ng buhay ay umabot sa 254.