Naarestong ex-kagawad at running candidate ng BSKE sa Ligao City dahil sa iligal na droga, maaari pa ring magpatuloy sa pagkandidato hangga’t di pa convicted – COMELEC Bicol

LEGAZPI CITY – Maaari pa ring makapagpatuloy ang isang kandidato ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023 kahit pa mayroon itong pending na kaso basta’t hindi pa ito nako-convict.

Ito ang sagot ni Commission on Elections (COMELEC) Bicol Regional Director Atty. Ma. Juana Valeza sa tanong kung mananatili pa rin ang pangalan ng kandidato sa balota kahit pa ito ay may kaso.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Kasunod kasi ito ng pagkakaaresto sa isang ex-kagawad at running candidate ngayong eleksyon sa Ligao City dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga kamakailan.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Valeza, sinabi niya na makikita pa rin ang pangalan ng opisyal sa listahan ng mga kandidato sapagkat siya ay nananatiling innocent until proven guilty at kinokonsidera pa rin itong kandidato.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Kung siya man umano ay manalo, maaari pa rin itong makapagsilbi sa barangay, ngunit kung ma-convict siya at maging final and executory, saka lang ito matatanggal sa puwesto.

Samantala, ayon kay Valeza, isa itong wakeup call sa lahat ng mga botante na maging matalino sa pagpili at piliin ang mga kandidatong hindi lumalabag sa batas.