Naaresto na election gun ban violators umabot sa 444 – PNP

Umakyat sa 444 ang bilang ng mga tao na naaresto dahil sa paglabag sa election gun ban.

Sinabi ng Philippine National Police na kasama na rito ang 34 na bagong violators na pawang mga sibilyan.

Nakumpiska naman mula sa kanilang ang 20 baril, 118 na ammunition, at 13 na deadly weapons.

Read More:  House prosecution panel criticizes Sara Duterte’s defense team over renewed ‘fishing expedition’ claims

Ibinahagi ng PNP na nagmula ang bagong batch ng mga lumabag sa Sultan Kudarat, Laguna, Cebu, Capitz, Masbate, Cebu City, Davao Occidental, Pangasinan, Mandaluyong, Valenzuela, Muntinlupa, Manila, Pasig, Navotas, Bulacan, Caloocan, Quezon City, at Alabay.

Read More:  Gatchalian pushes ban on officials’ relatives in government contracts

Sa ilalim ng Resolution No. 10728 ay ipinagbabawal ng Commission on Elections ang pagbitbit o pagdadala ng mga baril o deadly weapons sa labas ng mga bahay at sa lahat ng pampublikong lugar mula January 9 hanggang June 8.