Carlos sa 2022 elections candidates: Sumunod sa COVID-19 new normal campaign rules

Ipinaalala ng Philippine National Police sa mga kandidato na sumunod sa campaign guidelines ng Commission on Elections sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay PNP chief Police General Dionardo Carlos, walang katiyakan ang sitwasyon ngayong campaign season.

Umaasa si Carlos na magiging mabuting ehemplo ang mga kandidato sa publiko sa pamamagitan ng pagsunod sa campaign guidelines.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Sinabi naman ng PNP na kasama sa mga ipinagbabawal na in-person activities ay ang pagpasok sa mga bahay, crowding, pagkamay sa mga tao o anumang uri ng physical contact, pagkuha ng selfies o mga larawan na malapit sa isa’t-isa, at ang pamamahagi ng pagkain at inumin.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Iginiit ng PNP na applicable rin ito sa mas malaking campaign events.

Tiniyak naman ni Carlos na mananatili ang vigilance ng pulisya sa pag-monitor ng lahat ng aktibidad na may kinalaman sa eleksyon habang nanatiling apolitical.