Senator Villanueva, nagpositibo sa COVID-19

Inanunsyo ni Senator Joel Villanueva na nagpositibo siya sa COVID-19.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Villanueva na natanggap niya ang resulta ng kaniyang RT-PCR test nitong Huwebes ng gabi.

Read More:  Senate court targets VP Sara confidential funds issue before August

Ayon sa senador, nakaranas siya ng lagnat at pananakit ng ulo noong Miyerkules.

Dahil diyan ay inabisuhan na ni Villanueva ang lahat ng mga nakasalamuha niya noong mga nagdaang araw tungkol sa kaniyang kalagayan.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Aniya, kasalukuyan na rin siyang naka-isolate.

Kumpyansa naman ang senador na mabilis siyan gagaling dahil fully vaccinated na siya at may booster shot.