Patuloy na inaalam ng mga expert kung ano ang misteryosong sakit na kumitil sa buhay ng halos 50 tao karamihan ay mga bata sa Northern Indian state na UttarPradesh.
Ayon sa inisyal na report, karaniwang nakakaranas ng mataas na lagnat, matinding pagpapawis, joint pains, sakit ng ulo, dehydration at pagkahilo ang mga biktima.
Ilan naman sa mga biktima ang nakitaan ng rashes sa legs at kamay. Base sa report, nasa daan-daan nang tao ang na-admit ngayon sa anim na distrito sa eastern part ng nasabing state.
Naniniwala ang ilang mga doktor na posibleng dengue ang dahilan ng “mystery fever” na sinasabing lumalaganap sa mga probinsiya at pinaka-mataong lugar sa India.
Matatandaan na unti-unti pa lang na bumabangon ang India mula sa panibagong surge ng COVID-19 pero ngayon ay nahaharap naman sa panibagong misteryosong sakit.
