DSWD, humihingi ng P191-billion na pondo para sa 2022

Hiniling ng Department of Social Welfare and Development sa House Appropriations Committee na mabigyan ito ng mahigit P191-billion na pondo para sa 2022 kung saan ay kasama na rito ang pondo ng attached at supervised agencies.

Para sa Fiscal Year 2022 ay nasa mahigit P189-billion lamang ang budget na inilaan ng Department of Budget and Management para sa DSWD, hindi pa kasama ang mga attached agencies nito.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Kung hihimayin ay mapupunta ang pondo ng ahensya sa personnel services na nasa P9.2-billion, na mas higit ng P2-billion mula sa 2021 budget; sa MOOE na nasa P170-billion; financial expenses na nasa P388-million; capital outlay na nasa P364-million; at bayad para sa retirement at life insurance premium na nasa P146-million.

Kabilang sa mga programa ng DSWD ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program na may pinakamalaking 2022 proposal na aabot sa higit P115-billion, na P9-billion na mas malaki kumpara noong 2021.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Meron rin proyekto ang DSWD na Social Pension for Indigent Senior Citizens, na may proposal na P23.5-billion para sa 2022, na bahagyang mas mataas kumpara sa P23.46-billion noong 2021.

Naiulat naman ng DSWD na pagdating sa social amelioration program ay nakamit na nila ang 100 percent Disbursement rate para sa SAP 1, SAP 2 at Bayanihan 2.