Murder complaints, inihain na ng PNP-CIDG laban sa 5 suspek sa pagpatay kay Geneva Lopez at Israeli boyfriend nito

Naghain na ng kasong murder ang Criminal Investigation and Detection Group sa Department of Justice kaugnay ng pagpatay sa beauty pageant contestant na si Geneva Lopez at Israeli boyfriend na si Yitzhak Cohen.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Ayon kay CIDG Legal Division Chief, Col. Thomas Valmonte, 2 counts ng kasong murder ang isinampa laban sa limang indibidwal kabilang ang 2 dating pulis na nasasangkot sa krimen.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Pinagplanuhan umano ng 5 ang krimen kung saan 2 ang bumaril at 1 ang kasama sa pagtatapon ng bangkay.

Pera at lupa ang nakikitang motibo ng pulisya sa pagpatay sa mga biktima.