Mangingisda – nawawala matapos bumangga ang isang pangisdang bangka sa ‘di pa tukoy na vessel sa Masbate

Nawawala ngayon ang isang mangingisda matapos bumangga ang sinasakyan nitong bangka sa hindi pa matukoy na vessel.

Nangyari ang insidente sa katubigang sakop ng Burias Island, Masbate.

Sa isang pahayag, sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na nagpapatuloy ang kanilang search and rescue operations para sa nawawalang mangingisda na si Roldan Marientes, 23-anyos.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Nakikipag-ugnayan na rin umano ang PCG sa mga kalapit na barangay at sa iba pang mga mangingsida para malaman kung nakita nila si Marientes.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Kwento ni Roland, ang nakatatandang kapatid ng biktima, tulog sila nang biglang bumangga ang isang vessel sa kanilang bangka, alas-2 ng umaga noong August 10.

Na-rescue naman si Roland ala-11 ng umaga ng MV Virgen De Penafancia XII habang dumadaan ito sa Burias Island patungong Masbate City Port.