Murder charges, isinampa na laban kay Teves kaugnay sa Degamo slay case

Kinumpirma ng Department of Justice na nakapagsampa na ng kasong murder, frustrated murder at attempted murder laban sa napatalsik na mambabatas na si Arnolfo Teves Jr. dahil sa  pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Sa isang news forum ngayong araw , sinabi ni DOJ spokesperson Atty. Mico Clavano, isinampa ang kaso Manila Regional Trial Court

Umaasa aniya silang maglalabas ng warrant of arrest ang korte laban Teves Jr.

Read More:  PNP says search for Bato Dela Rosa remains on track

Maaalalang nauna ng nakapagsampa ng murder charges laban kay Teves sa Bayawan, Negros Oriental noong nakaraang linggo dahil sa mga insidente ng pagpatay noong 2019.

Hinihiling ngayon ng DOJ na ilipat ang paglilitis ng kaso sa Maynila.