Makabayan Bloc—nilinaw na wala silang pinaghahandaaang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte

Walang pinaghahandaan impeachment move ang Makabayan bloc laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay ang confidential funds.

Paglilinaw ni ACT Teachers Rep. France Castro, wala silang planong i-impeach si Duterte dahil ang pinaghahandaan nila ay ang report ng Commission on Audit.

Read More:  DOTr to pilot cashless payment system on EDSA Busway

Ani Castro, kasalukuyan din nilang pinag-aaralan ang issue dahil may nakita silang violation o paglabag sa Konstitusyon.

Paglalarawan pa nito sa usapin ng impeachment – isa itong premature na hakbang.

Read More:  PDEA links Ex-BARMM member Sultan Edrieza Rimbang to Laos drug bust

Sa huli, sinabi ng mambabatas na mas makabubuti kung haharap ang bise presidente sa budget deliberation ng Kamara upang personal na makapagpaliwanag kung saan nakuha ng kanyang opisna ang kwestyonableng P125M na confidential funds noong nakaraang taon.