Muntinlupa Court, pinayagan ang hiling ni Senadora Leila de Lima na magpa-opera

Pinayagan na ng Korte ang kahilingan ni Senadora Leila de Lima na sumailalim sa limang araw na medical furlough para sumailalim sa isang ‘major operation’.

Sa order na inilabas ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 204 – aprubado ang hiling ng Senadora na pansamantalang makalabas ng detention facility mula June 19 hanggang 25.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Pinayaagn din ng Korte ang mga tauhan ng PNP sa Kampo Krame na mag-escort sa Senadora papunta sa Manila Doctors Hospital para sa kanyang operasyon at confinement.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Sa pinakahuling check-up ng senadora, na-diagnose ito na mayroong pelvic organ prolapse stage 3 at inirekumenta ang hysterectomy procedure at anterior and posterior colporrhany.
#