Incoming Defense Secretary Ret. Gen. Faustino, nakakuha ng suporta mula sa AFP

Wi-nelcome ng Armed Forces of the Philippines ang ginawang pagkakatalaga kay Retired Gen. Jose Faustino Jr. bilang susunod na kalihim ng Department of National Defense.

Kahapon nang i-anunsyo ng kampo ni President-elect Bongbong Marcos na itatalaga si Faustino bilang DND OIC at senior undersecretary at nakatakdang maging ganap na kalihim matapos ang kanyang one-year ban bilang isang military official.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Sa pahayag, sinabi ni AFP Spokesperson Col. Ramon Zagala na susuportahan nila ang mga magiging plano ni Faustino sa DND.

Aniya, full-support ang ibibigay ng AFP sa lahat ng mga ipatutupad nitong programa sa DND pati na rin ang mga kahaharapin nitong pagsubok sa tanggapan.

Tiwala umano sila sa kakayahan ng dating AFP Chief-of-staff lalo na’t ang 38 taon nitong pagiging sundalo ay makatutulong sa pangangasiwa ng security at defense situation sa bansa.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Sa hiwalay naman na pahayag, sinabi rin ni outgoing Defense Secretary Delfin Lorenzana na suportado niya si Faustino bilang kanyang kapalit.

Aniya, dedikado umano si Faustino para ipagpatuloy ang mga naumpisahan ng ahensya pagdating sa security at modernization ng Philippine Military.
#