DILG, dumipensa sa mga pasaring ni Garcia na hindi rin naman ito nagsusuot ng face masks

Pumalag si Interior Secretary Eduardo Año sa mga pinaka-bagong tirada sa kaniya ni Cebu Governor Gwen Garcia hinggil sa mask mandate order nito.

Sa gitna pa rin ito ng nagpapatuloy na ‘word war’ sa pagitan ng dalawang opisyal dahil sa taliwas na order sa requirement ng pagsusuot ng face masks sa outdoor areas sa Lalawigan ng Cebu.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Sa isang live press conference kasi kahapon, pinuna ni Garcia na maging si Año naman ay hindi nagsusuot ng face mask.

Iginiit ni Garcia na kinakailangang sunding ng IATF ang mismong resolusyon na iniisyu nito sa publiko.

Tinawag itong ‘unnecessary comment’ ni Año at sinabing mayroon naman aniyang exemptions sa pagsusuot ng face masks lalo na sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Kabilang na aniya rito ang mga public engagements at press conference.

Hindi naman daw nangangahulugang hindi na sila nagfe-face masks dahil matapos nilang magsalita at magpa-litrato, kaagad din naman nila itong sinusuot muli.
#