Multilateral approach, mas makabubuti sa West Philippine Sea issue – Robredo

Naniniwala si Vice President Leni Robredo na hindi mapoprotektahan ng Pilipinas ang mga interes nito sa West Philippine Sea sa bilateral talks kasama ang China.

Ayon kay Robredo, matagal nang sinasabi ng mga eksperto na hindi makakatulong saatin ang bilateral talks sa China dahil mas maliit na bansa ang Pilipinas.

Iginiit ng Pangalawang Pangulo na hindi patas ang katayuan ng dalawang bansa.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Noong 2016 pa isinusulong ng Bise Presidente ang multilateral approach, kung saan ay hinihimok niya ang gobyerno na makipagtulungan sa ibang mga bansa.

Kumpyansa si Robredo na magiging patas ang laban kung magkakaroon ang Pilipinas ng mga kaalyado na may parehong hinain laban sa China.

Read More:  NIA says it is prepared for El Niño impacts

Inihayag ito ni Robredo dalawang araw matapos ang virtual meeting ng mga opisyal ng Pilipinas at China para sa sixth engagement ng Bilateral Consultation Mechanism (BCM) on the South China Sea.

Matatandaan na itinatag nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese Xi Jinping ang BCM nang sila ay magpulong noong 2016.