21 marathon runners nasawi bunsod ng ‘extreme weather’ sa 100-KM race sa China

Patay ang 21 ultra-marathon runners bunsod ng “extreme weather” conditions na nanalasa sa 100-kilometer mountain race sa Northwest China.

Ayon sa report, nagsimulang maaraw ang panahon sa high-altitude Huanghe Shilin Mountain marathon pero biglang nagbago ang panahon na nauwi sa “freezing rain”, hail stones at gale winds.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Kabilang sa mga nasawi ang isa sa mga sikat na ultra-marathon runner ng China na si Liang Jing.

Napag-alaman na mabilis na nakaranas ng hypothermia ang mga runners habang ang iba ay nawawala nang bumagsak ang temperatura sa Yellow River Stone forest.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Agad namang kinansela ng marathon organizers ang karera kasabay ng paglulunsad ng search party .

Nakdagdag din sa mabilis na pinsala sa mga runners ang maninipis na suot ng mga ito