MRT-7, 70% nang tapos

Inanunsyo ng Department of Transportation na unti-unti nang natutupad ang pangakong mas mabilis, maginhawa, at ligtas na biyahe para sa lahat dahil nasa 69.86% na ang overall progress status ng Metro Rail Transit Line 7 (MRT-7).

Ayon sa DOTr, patapos na ang Quezon City leg ng MRT-7 na magiging operational bago magtapos ang 2025.

Sinabi naman ni DOTr Secretary Jaime Bautista na napakaimportante ng proyekto na ito dahil makapagseserbisyo ito sa 300,000 mga pasahero sa unang taon ng operasyon.

Magiging 35 minuto na lang ang biyahe mula Quezon City hanggang San Jose Del Monte sa Bulacan, mula sa dalawa hanggang tatlong oras.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *